Naramdaman mo na bang MANGHINAYANG??
NAKAKAPANGHINAYANG talaga ano?!
Saka hassle yan kasi pagsisisihan mo nang mahabang panahon yan...
Ang pakiramdam kasi ng panghihinayang ay yung tipong bawat minuto na maiisip mo yung pinanghinayangan mo eh di ka mapakali, parang nakukuryente yung buong katawan mo sa hindi maipalawanag na paraan at nanginginig na pinaghalong gigil at yamot!! DYAN AKO NAIINIS!! NA MAY KASAMANG ASAR!! Yung tipong mapapasuntok ka na lang bigla sa hangin at mapapapitik ang mga daliri mo sabay bigkas ng mga katagang "TSK! SAYANG TALAGA!!" sabay mapapa-iling, hahampasin ang noo sa pamamagitan ng bukas na palad at halatang may bakas talaga ng panghihinayang, at masisira ang araw mo PERIOD!
Halimbawa ng PINANGHINAYANGAN:
*KASINTAHAN NA BINABALEWALA MO NUNG UNA, PERO NUNG NAWALA SAKA MO LANG NAPAGTANTO SA SARILI MO NA HINDI MO KAYANG MABUHAY NANG WALA SYA.* = Ikaw naman kasi, nung nasa iyo pa, hindi mo pinahalagahan, inalagaan, pinagtuunan ng pansin, at higit sa lahat... minahal. Nasa iyo na nga eh, pinakawalan mo pa! Sabihin na nating minahal mo na sya nung una, pero hindi sapat ang naibigay mo... dapat ipinaramdam mo sa tao ng buong puso, kaya talagang hindi naluluma ang kasabihang "Nasa huli ang pagsisisi" kasi nung napagtanto mo na hindi mo pala kayang maging masaya nang wala ang taong iyon saka mo pa lang sya hahanap-hanapin, pero sa kasamaang palad dumaan na ang mga pagkakataon, wala na sya... lumipas na ang panahon, sumisikat ang araw pag bukang liwayway, at nag-aagaw naman ang liwanag at dilim sa dapit-hapon para salubungin ang mga tala at ang buwan sa pagpasok ng takip-silim, at ang "kinabukasan" ay isa pa ding "misteryo", kaya pakatatandaan mo na ang oras ay walang hinihintay, KILOS!! Dahil kapag hindi mo nagawa ang mga dapat mong gawin sa eksaktong mga sandali na iyon, manghihinayang ka na naman at sasabihin sa sarili na "bakit ba kasi hindi naimbento ang TIME MACHINE!!" para balikan ang nakaraan. Ngayon, para kang lantang halaman na kulang sa dilig! Punit na punit ang pakiramdam mo na parang pinilas na papel, parating balisa, at ang aking mga salita ay magbibigay sa'yo ng pakiramdam na parang "bala na pumapasok sa katawan"... "tagos-tagusan!!", at minsan pa nga ang mga "quotes" and "status messages" ay parang "ligaw na bala" hindi ba? Kasi kahit hindi naman para sa'yo... "natatamaan" ka! HAHAHAHA!! Sasabihin mo sa sarili na "sana hindi ko sya TINAKE FOR GRANTED!" Oo alam naman ng lahat na masakit saktan ang minamahal lalo na kung di mo sinasadya. Kahit gustuhin mo man na ituwid ang lahat ng mga pagkakamali mo eh saka mo pa lang malalaman na huli na pala... kasi, naitama na ng iba. Doon mo lalong mararamdaman ang panghihinayang... at yung dating lugar na kinatatayuan mo eh natindigan na ng iba, at napanindigan na ng iba ang mga paninindigan mo, yung pumuno sa mga pagkukulang mo... kaya habang may pagkakataon ka pa, umayos ka na! para hindi ka na manghina este manghinayang pa........
O paano? "TULDUKAN" na natin 'to ha?? Ayan.